St. Paul Makati young story-tellers go online
9/1/2011
August 17 & 18, 2011 – St. Paul College Makati GS and HS Department had its first story writing contest in celebration of the yearly Buwan ng Wika participated by young story-tellers from the grades five and 6 and third and fourth year levels.

The contest, dubbed as e-Kwento mo!, has the theme “Ang Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas” and was carried over using GENYO’s newest feature, the Writing Buddy. The contest was facilitated by High School Learning Integration Specialist Aries Victor L. dela Cruz and School e-Learning Specialist Lovely Lucky Evarretta.






 

The participants were given an hour to weave their stories based on the theme and the picture attached on their writing buddy task. St. PaulCollege Makati Academic Team Leader Ms. Renelda Carbonilla and Clubs and Activity Team Leader Ms. Pinky Caraggyan served as the judges for the event.

Below are the winners of the e-Kwento Mo:

GRADE SCHOOL DEPARTMENT:

FIRST PLACE:        Leila Marie S. Magno (6-St. Gabriel)

SECOND PLACE:    Kyle Francis P. Remo (6-St. Gabriel)

THIRD PLACE:        Abegail Ruth Tirona (6-St. Judiel)

HIGH SCHOOL DEPARTMENT:

FIRST PLACE:        Paola Marie Abisamis

SECOND PLACE:    Maedelle Lynn Vargas

THIRD PLACE:        Emily Jean Gatus


Featured below are the top winning entries both for the GS and HS department:



PAG-ASA

Ni Leila Marie Magno (Grade 6 student)

Ang Bagyong Ondoy. Ang bagyong ondoy ay isa sa mga pinakamalakas na bagyo na tumama sa Pilipinas. Ito rin ang pinakanakakapinsala sa lahat. Kahit ang mga mayayaman ay hindi na rin nakatulong sa mga mahihirap dahil ditto. Basahin ninyo ang isang kuwento na ito. Ang kwento na ito ay tungkol sa pamilyang nawalan ng mga gamit, at ang isang aksyon ng isang opisyal ay nakabago ng kanilang buhay.

“Diyos! Tulungan niyo po kami!” sigaw ng nanay habang nakita niya ang kanilang bahay, na ilang taon na niyang tinirahan. “Inay, ano po ang nagyari?” tanong ni Juan sa kaniyang ina. Walang masabi ang nanay. Paano niya masasabi na ang kanilang mga gamit, mga damit, ay iba pang mga kailanan sa buhay ay wala na? paano niya masasabi na ang buhay na mayroon sila ay hindi na ganoon? “Juan, nababaha an gating bahay. Maaring hindi na tayo makakabalik.” Iyak na tugon ni Ana.

Isang linggo na ang nakakalipas nang matamaan sila ng Bagyong Ondoy. Maraming nasalantang mga bahay, gamit at iba pa dahil ditto. Ang mga tao na nasalanta ng Bagyong Ondoy ay pinatuloy muna sa isang Elementary skul sa bayan ng Marikina. Maraming natulungan ng gobyerno at naka-asenso sila muli, pero ang mga mag-anak na Cruz ay hindi pa nakakakuha ng mga kailangan nila. Ang bata na ana, na pitong gulang taon lamang, at nakakapunta sa kaniyang paaralan, ngunit sa isang Bangka, dahil tumitira sila sa isang maliit na bahay na malayo sa kaniyang paaralan. Ang kaniyang mas nakakabatang kapapatid na si juan ay siyang nagaararo ng Bangka. Ang nanay nila ay pinupursiging makakuha ng pera para lamang sa kaniyang anak; tumatanggap siya ng labasa sa mga iba niyang kapitbahay. Kahit man siya ay ganito kapursigi, hindi p[arin niya naabot ang kailangan ng mag-anak.

Ang opisyal na si Nestor, isang mayamang abogado, ay nagbabasa ng dyaryo. Nakita niya ang isang panel sa Bagyong Ondoy. Agad niya itong binasa:

“Ang bagyong Ondoy, kahit man lumabas na ng bansa, ay nakadulot parin ng ibang problema sa Marikina..” sabi ng opisyal. Agad siyang pumunta rito.

Nang makapunta siya sa Marikina, nakiya niya na may mataas pa rin na baha, at maraming Bangka ang nakalutang rito. May nakita siyang isang barko na tinutulak ng isang bata. Tinanong niya ang mga bata.

“Bata”, sabi ni Nestor, “Bakit ka nakasakay ng Bangka?”

Tugon ng bata, “Papunta ho ako sa aking paaralan.”

“Bakit ka naman nakasakay sa Bangka?”

“Malayo pa po ang aking destinasyon, pero OK lang poi to, dahil makakapasok naman ako sa aking paaralan.”

Agad naawa si Nestor sa batang ito. Madali siyang sumakay ng barko, sinabi sa bata na siya na lamang ang mag-tulak, at tinanong niya ang bata, “Saan kayo nakatira, anak?”

Natakot ang bata, pero sinabi niya, “doon po,” at tinuro niya kung saan. “Bakit po?”

Ngumiti si Nestor. “tutulungan ko ang pamilya ninyo.”

Nang makapunta na sila sa kanilang bahay, sumimangot ang opisyal dahil ito ay masyadong maliit para magkasya ang maganak. Agad niyang hinanap ang nanay. Nang Makita ng nana yang lalaki, agad siyang ngumiti.

“Tutulungan kop o kayo, “ sabi ni Nestor. “Ano po ba ang inyong kailangan?”

“Mga gamit lang po,” sabi ng nanay. Ngumiti siya ng malaki.” Salamat pos a Diyos na ma y tumulong nap o sa amin!”

Nagumiti si Nestor, at sinabi, “Ang mga Pilipino ay hindi makasarili. Nalqaman naming ito sa ating mga bayani.”

Tugon ng nanay, “Salamat po talaga, Sir/ Kung wala po akyo, ay kami’y wala nang pag-asa. Binigyam niyo po ulit kami ng pag-asa, at isang paalala na palaging nandiyan ang mga Pilipino, at ang Diyos.”

Si Nestor ay hindi nakapagsalita, at bigla siyang niyakap ng nanay, at sumali na rin si ana at Juan.

Meron na ulit silang pagasa.

Isang taong na ang nakalipas pagkatapos noon. Nagkaroon sila ng magandang buhay. Hindi na sila nakatira sa maliit a bahay, kung hindi sa isang apartment kung saan sila sinala ni Nestor.

Palaging naalala ng nanay na kung hindi sa kaniyang pagkita ng awa sa kanil;a ay maaring mahirap pa rin sila ngayon. Para sa kaniya, ang mga Pilipino talaga ay makabayan at hindi makasarili.

Kung hindi tayo nagkaroon ng mga karakter ng mga Pilipino, ay hindi sila magkakaroon ng ganitong magandang buhay. Ang temang “wikang Panlahat, Ilaw at lakas sa tuwid na landas,” ay totoo talaga, dahil sa paraan ng wika, tayo ay nakakakamit ng mga magagandang mga kalidad ng Pilipino, at isa iotong simbolo n gating pagiging makabayan. Katulad ni Nestor, ang isang aksyon na kaniyang nagawa ay nakatulong sa isang pamilya.

Sana
at tayo’y maging katulad din niya.

 

BAKYA

Ni Paola Marie Abesamis (4th year student)

 Malakas, Sobrang lakas ng ulan sa Malabon. Naala ko ngayon ay ika-26 ng Setyembre 2009, kaarawan ng aking pinakamamahal na ina. Nalungkot ako nang dumungaw ako sa aming munting binatana sa aking kwarto. Nakita ko na malakas ang bagsak ng ulan. Naisip ko, “Paano ako papasok niyan?” Paano ako makakabili ng regalo para kay Inay?” Humiga ulit ako sa matigas kong kama. Niyakap ang aking mahabang unan at nagdasal, “Papa Jesus, patilain Niyo naman po yung ulan para makapasok po ako at makabili ng regalo para kay Inay. Magkaroon naman po sana ng magandang panahon. Salamat po. Amen.”

“Queenie, anak, gising na! Ala-siyete na!” sigaw ni Inay. Agad akong tumayo at nagmadali patungo sa kusina. Naamoy ko ang sinangag at longganisang inihain ni Inay sa mesa. “Inay! Happy birthday!”, ang bungad ko sa kanya, niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan ang kanyang pisngi. Tipid lamang ang kanyang ngiti at sinabi “Salamat anak.” “Inay, bakit parang ang lungkot niyo? Kaarawan niyo po ngayon. Dapat magsaya tayo!”, sagot ko sa kanya, “Anak, umuulan ng malakas at sa tingin ko ay babahain tayo. Kaya bilisan mo kumain at maligo ka na nang makaalis ka na aga.” Umupo na lamang ako sa silya at kumain. Pagkatapos ay naligo at nagbihis. Nang sinusuklay ni Ina yang aking kulot na buhok, “Inay, ihahatid niyo po ba ako papuntang eskwela?”, tanong kos a kanya, “Hina na anak, sabay ka na lang sa kaibigan ko, si Mang Nestor? Kilala mo siya hindi ba?”, sagot ni Inya. “Sige po, ‘nay, E pa’no po kayo? Ditto lang po kayo?” “oo. Maghahanda ako. Mukha talagang babahain tayo mamaya, e.”

Nagpaalam na ako at sumabay sa side car ni Mang Nestor. Nang dumating na sa eskwela, umupo lamang ako ng tahimik sa aking silya at nag-isip. “Sana naman hindi bumaha nang hindi na malungkot si Inay at nang makabili ako ng regalo sa kanya.” Tiningnan ko ang aking pitaka at nilabas ang naipon kong pera. Nalungkot ako lalo dahil hindi pala sapat ang aking pera pambili sa kanyang gusting bakya na bibilhin ko sa tindahan ni Aling Rose. Binaliwala ko na lamang ito at inisip na “Mabibili ko ang gusting bakya ni Inay. Mabibili ko iyon.”

Natapos na ang aking klase. Sumabay  ulit ako sa side car ni Mang Nestor at bumaba sa kanto nila Aling Rose. Agad agad akong tumakbo dahil sobrang lakas na ng ulan. Sumilong ako saglit sa isang tindahan ng bigas at naghintay na tumila ang ulan ngunit hindi tumitigil, Nanghiram na lang ako ng paying sa may-ari ng tindahan ng bigas at naglakas patungo sa tindahan ni Aling Rose. Nakita ko na ito’y bukas at nasiyahan dahil mabibili ko na ang gusto ng aking Inay. Agad agad akong pumasok at hinanap si Aling Rose. Tinuro niya sa akin kung saan nakalagay ang mga bakya. Nakalagay ang mga bakya sa dulong dulong bahagi ng tindahan. Nagtungo ako doon at hinanap ang bakya na may pulang ribbon sa ibabaw. Hindi ko mahanap. Inisa-isa ko ang mga ito ngunit hindi ko talaga mahanap. Naiiyak na ako sahil hindi pwede ito mangyari. Inisa-isa ko ulit ngunit wala talaga! Umiyak na ako at umupo sa sulok. Nawawalan ako ng pag-asa. Naghanap na lamang ako ng magandang disenyo ng bakyaat iyong na lang ang aking bibilhin. Ang aking napili ay hindi gaanong mataas at may itim at putting starp sa likod. Natuwa naman ako sa aking napili at pumunta na sa may cashier. Nagbayad ako ng 250 at nagulat na hindi ito tinanggap! 450 persos pala ang bakyang napili ko. “Aling Rose, nagmamakaawa po ako, tanggapon niyo na ko ang pera ko. Ito lang po ang kayak o at nangangako ako na babayaran ko ang kulang ko ditto. Regalo kop o ito sa Inay ko, maawa naman po kayo sa akin!” Naawa si Aling Rose at tinanggap na ang aking pera at ang bakya. Natuwa ako pero hindi ko namalayan na tatlumpong minuti nap ala akong nasa loob ng tindahan at nakalimutan na malakas yung ulan. Pagkalabas ko, hanggang hita na ang baha! Natakot ako dahil maliit lamang ako at hindi ako pwedeng lumusong!

May isang bata, siya ay nagsasagwan sa baha. Hindi Bangka ang kanyang dala kung hindi ay isang kahoy lamang. Napagisip-isip ko kung ako ay makikisakay sa kanyang “munting Bangka” o mananatili lamang sa tindahan ni Aling Rose. Ngunit hindi pwede na doon lamang ako dahil ibibigay ko sa aking Ina yang regalo niya.

Napag-isipan ko na tawagin ang batang nagsasagwan. “Bata! Batang nagsasagwan!” Tumingin siya sa akin ng walang kibo. Patuloy pa rin siya sa pagsasagwan. Tinawag ko siya ulit. “Sandali lang! Huwag kang lumayo! Sasabay ako sa Bangka mo. Kailangan kong umuwi ng bahay.” Huminto siya at nilapit ang Bangka kung saan ako nakatayo. Agad agad akong sumakay at tinuro kung saan ako nakatira. Nagulat ako dahil kahit anong taong ko sa kanya, hindi pa rin siya kumukibo. Nagulat na lamang akko nag-Bisaya siya! Buti na lamang at nakaiintindi ako ng Bisaya at nature ko ng maayos kung saan ako nakatira. Nagpasalamat ako ng husto sa kanya at tinanong ang kanyang pangalan, siya ay si Enzo. Nagpasalamat ako ng husto sa kanya at pumasok sa bahay. “Inay!” “Anak, ano ba! Bakit ngayon ka lang? Akala ko na kung anong nangyari sa’yo! Saan ka nanggaling?” sigaw ni Inay. Galit siya, “Inay, pasensya nap o. Bumili lamang po ako ng bakya niyo.” , paluha kong sinabi, Umamo ang mukha ni Inay at niyakap ako ng mahigpit.

Huwag gumawa ng sarili mong oras.